Paano Makatipid at Makaiwas sa Bitak sa Palitada?
Sa paggawa ng bahay, isa ang palitada sa pinaka-kritikal na parte. Dito nakasalalay kung magiging "pogi" o makinis ang pintura ng bahay mo. Ang karaniwang pagkakamali ng marami ay ang pagtitipid sa semento o kaya naman ay ang paggamit ng maduming buhangin.
Kapag ang timpla mo ay sobrang matapang (sobrang daming semento), mabilis itong mag-init at mag-crack o tinatawag nating "hairline cracks". Kapag naman kulang sa semento, madali itong mag-pulbos o "mapulbo" pag natuyo. Ang 1:3 ratio (isang sako ng semento sa tatlong bahagi ng buhangin) ang pinaka-balanseng timpla para sa mga pader na gawa sa hollow blocks.
Importansya ng Pagbabasa ng Pader
Bago magpalitada, siguraduhing basang-basa ang mga hollow blocks. Kapag tuyo ang hollow blocks, hihigupin nito ang tubig mula sa sariwang palitada, kaya hindi ito matutuyo nang tama at magreresulta sa mahinang pader. Sa Aci naman o yung finishing layer, siguraduhin na "sieved" o dumaan sa pinong salaan ang semento para walang buo-buo at maging kasing kinis ng salamin ang pader mo.
Bakit kailangan ng Buffer?
Ang 10% buffer na nilagay natin sa kalkulador ay hindi luho. Ito ay para sa mga "rebound" o yung mga sementong nalalaglag sa sahig habang naghahagis ang mason. Kasama rin dito ang pambawi sa mga bahagi ng pader na hindi diretso ang pagkaka-align ng hollow blocks. Mas mabuting may sobrang kaunti kaysa hihinto ang trabaho dahil lang sa kulang na kalahating sako ng semento.

















